Wednesday, February 15, 2012

Tungkulin ng mga Bata sa Paaralan , Tahanan at Pamayanan

              










May mga tungkulin na dapat gampanan ang mga bata sa paaralan , tahanan, at pamayanan .
Ang mga sumusunod ay tungkulin sa tahanan: sumunod sa utos ng mga magulang , iayos at iligpit ang mga laruan pagkatapos maglaro, magpaalam sa magulang kung aalis , tumulong sa mga gawaing bahay at igalang ang mgamagulang at  kasama sa bahay.Tungkulin ng mga bata sa paaralan: sumunod at makinig sa guro, gumawa ng takdang aralin, sumunud sa mga batas at alitutunin sa paaralan katulad ng pagsuot ng uniporne, paggalang sa watawat at pagpasok sa tamang oras. May tungkulin din ang mga bata sa pamayanan, ang mga ito ay ang sumunod: pasunod sa batas trapiko, pakikiisa sa mga proyekto ng pamayanan, pagpapanatiling malinis sa lugar at pakikipagsundo sa mga kapitbahay.
               Sa mga nabanggit na tungkulin ay mahalagang isagawa ang lahat ng mga ito dahil para sa ikabubuti nila ito.  Lalaki silang maaayos, may respeto at maypamamahal sa magulang at sa kanilang bayan.

6 comments:

  1. Magandang araw po. Nais ko po sanang hingin ang inyong permiso upang mailathala ang inyong akda na naka-paskil sa webpage na ito. Maaari po kayong magpadala ng mensahe sa email address na ito: abivabookdev.kp@gmail.com

    ReplyDelete
  2. Magandang hapon po.Nais ko po sanang hingin ang permiso upang mailathala ang iyong akdana nakapaskil sa webpage na ito Maaari po kayong magpadala ng mensahe sa email address na ito:dinlasan.marissa@deped.gov.ph

    ReplyDelete