Thursday, February 16, 2012

Pabula


Ang Lobo at ang Ubas

Ang katagang "sour grape" o "maasim na ubas" ay hinango sa isa sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas.
Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya  ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.

Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon," ang sabi niya sa sarili.
Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan . Kung minsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang "maasim na ubas " dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na makamtan. Ang pagsasabi ng "maasim na ubas"ay maaaring pagtatakip lang sa isang pagkukulang o pampalubag loob sa sarili dahil sa pagkabigo ng isang tao na makamtan ang kanyang gusto.

No comments:

Post a Comment