Thursday, February 16, 2012

Alamat ng Sampaguita





 ALAMAT NG SAMPAGUITA

             Ang Sampaguita ang ating pambansang bulaklak ay may iniingatang isang magandang alamat. Nais  ng mga bata malaman kung saan ba nagmula ang sampaguita.Noong unang panahon may dalawang taong buong pusong nagmamahalan. Ito ay sila Nita at Destor . Kapwa lumaki sina Nita at Nestor sa isang liblib na nayon na napakalayo sa lungsod ng Maynila. Si Nita ay tinaguriang tala ng nayon dahil sa kangyang tinataglay na pambihirang kagandahanat taglay ang kahinhinan at napakagiliw siyang kausap. Si Desto ay isang makisig , magiliw at maginoo. Ang magkasintahan ay  nagsumpaan na di magtataksil o magkakalimutan anuman mangyari sa may tabi ng mayabong na punong kahoy. Pero ang sumpaang ito ay di natupad ni Desto ,dahil sa pangyayari ito ay di natanggap ng Nita ang nangyari. Isang Gabi ay pumunta sya sa dati nila tagpuan sa may punong kahoy , at doon ay inuukit niya ang salitang sinusumpa kita sa sobrang sama ng kanya kalooban, isnumpa niya si Desto. Nagdasal siya sabay ng pagdadasal biglang naglaho ang liwanag ng kabilugan ng buwan , nagdilim at kumidlat.Saba'y nun ang biglang paglaho rin ng buong katauhan ni |Nita. Pagkaraan ng ilang araw ay may nagsitubong mga halaman na ang mga mapuputing bulaklak ay may mahinhing bangong namumuot hanggang sa kaibuturan ng puso ng mga tao, dahil sa ganap na paglaho ni Nita ang mga halamang iyon na nakapaligid sa nakasulat na salitang sinusumpa kita ay tinawag ng lahat na  Sampaguita.Sa bawat alamat na ating naririnig   na sa atin na kung dapat ba tayong maniwala , katulad ng ating nabasa. Ang mahalaga ay isa isip natin ang mahalagang aral na nais iparating sa atin, na maging matapat sa ating minamahal at ang sinumpaang pangako sa taong mahal natin ay isa puso at tuparin nang sa ganun ay hindi  nasasaktan ang ating minamahal.

No comments:

Post a Comment